Septage Management Program, isinusulong ng WD |
Isinusulong ng Puerto Princesa City Water District ang pagsasakatuparan ng Septage Management Program sa lungsod bilang bahagi ng mandato na magbigay ng ligtas at mas mataas na kalidad ng serbisyo ng tubig.
Bagamat malayo pa ang aktuwal na implementasyon ng planong proyekto, unti-unti nang ipinapamulat ng ahensya sa kamalayan ng publiko ang pagkakaroon ng malinis na tubig sa pamamagitan din ng pagtiyak ng mas maayos na palikuran partikular ang tamang pagdi-desludge ng septic tank. Sa ngayon, nakahanda na ang Feasibility Study ukol dito na naisakatuparan sa pakikipagtulungan ng PWRF o Philippine Water Revolving Fund at USAid. Tiniyak ni GM Antonio Jesus Romasanta na anumang oras na ikasa ng lokal na pamahalaan ang ordinansa ukol dito ay nakahanda na ang City Water District para sa proyekto. Nananawagan din si Romasanta sa publiko na aktibong makilahok ang mga mamamayan sakaling ikasa na ang mga pagdinig-publiko kaugnay sa nasabing usapin. |