Magtipid sa tubig, panawagan ng WD |
Nananawagan ang pamunuan ng Puerto Princesa City Water District na kahit maganda ang suplay ng tubig sa ngayon, lagi pa ring ugaliin ang pagtitipid ng tubig.
Ayon kay General Manager Antonio Jesus Romasanta, ito’y bilang paghahanda na rin sa nalalapit na panahon ng tag-init. Sa ngayon kasi, bagamat may manaka-nakang pag-ulan, kapansin-pansin na rin ang pagbaba ng lebel ng tubig sa dam sa Irawan. Kung hindi aniya magbabago ang sitwasyon ng pag-ulan, posible na bumaba na naman ang suplay ng tubig na manggagaling sa Ilog-Irawan. Gayunman, tiniyak ni GM Romasanta na pinaghandaan na ito ng Water District dahil mayroon namang mga deep well/pumping stations na naka-back up lalo na ngayong darating na summer. Subalit mas mabuti na rin aniya na gawing kaugalian ang pagtitipid ng tubig tag-ulan man o tag-init. |