WD nananawagang bantayan ang tagas sa mga linya ng tubig |
Patuloy na nagpapaalala si General Manager Antonio Jesus Romasanta sa lahat ng consumers ng Puerto Princesa City Water District na maging mapagmatyag sa kani-kanilang linya ng tubig. Ito’y upang maiwasan na magkaroon ng leak o tagas na kung saan nagri-resulta naman sa biglaang pagtaas ng bill.
Isa kasi ito sa pangkaraniwang problema na idinudulog ng mga consumers. Binibigyang-diin ni GM Romasanta na kapag sakop na ng kanilang service line at pumasok na sa metro, talagang pananagutan na ito ng consumer. Ang isa lang na maaaring opsyon ay ang paghingi ng diskwento sakaling mapatunayan na may tagas ang inyong linya. Subalit ipinapaalala ng pamunuan ng Water District na ang ganitong pribileheyo ay minsan lamang maaaring ma-avail. Sakali mang magkaroong muli ng tagas, obligado na ang consumer na magbayad ng kabuuang billing account. Kaya naman, makakatulong ang pagbabantay sa sariling linya. Sakali namang magkaproblema o maghinalang may tagas, agad ipagbigay-alam sa Water District upang mabigyan ng agarang aksyon. |